Maraming mga netizens ang humanga sa ipinakitang kabaitan ng actor na si Daniel Padilla.

Ito ay matapos na tinulungan pa niya ang tricycle driver na nakabangga ng kaniyang sasakyan.

Sa video na kumalat sa social media, makikitang nagmamaneho ng kaniyang Ford Mustang Eleanor ang actor ng ito ay banggahin sa likod ng isang tricycle driver sa kahabaan West Fairview nitong Miyerkules ng hapon.

Imbes na nagalit ang actor ay binigyan pa nito ng pera ang tricycle driver para sa pampaayos ng tricycle nito.

Nagulat na lamang ang driver ng may iniabot na pera ang actor bago ito mahinahon na umalis sa lugar.

Ilang oras ng maipost ito sa social media ay nakakuha aga dito ng ilang libong likes at shares.