james daniel
James Reid (left) & Daniel Padilla (right)

Todo puri sa isa’t isa sina Daniel Padilla at James Reid sa isa’t isa matapos nilang kumpirmahin ang proyektong kanilang pagtatambalan.

Sa 55 second video ni Daniel sa Instagram, ibinahagi nito ang kaunting impormasyon tungkol sa kanilang pelikula at kung ano ang naging karanasan ng dalawang binata habang ginagawa ang nasabing proyekto.

Ayon kay Daniel, paborito niya umano ang kanilang eksena na may sports car. Inilarawan niya rin na super chill daw na katrabaho si James lalong lalo na ang mga bumubuo sa proyekto.

Action scenes naman ang ikinatuwa ni James at siniguradong marami ang matutuwa sa kanilang pelikula.

Ito ang kauna-unahang proyekto na pagtatambalan ng dalawa sa kabila ng pagiging busy ng kani-kaniyang on and off screen partners na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.