-- Advertisements --

Magiging agresibo ang ipapakita ng Dallas Mavericks sa pagsisimula ng Game 2 nila laban sa Oklahoma City Thunder ng Western Conference Semifinals series.

Ito ay matapos ang nakakadismayang pagkatalo 119-95 noong Game 1.

Ayon kay Mavericks coach Jason Kidd na nagkaroon na sila ng mga adjustments sa mga nakita nilang kamalian noong Game 1.

Ilan sa mga dito ay ang pagpapabuti ng kanilang depensa at pag-iwas sa mga kamalian sa laro.

Noong Game 1 kasi ay nabantayang ng OKC ang star player ng Mavericks na si Luka Doncic na nagtala lamang ng 19 points , siyam na assists at anim na rebounds.