Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang vietnamese at isang Chinese national matapos ang kanilang isinagawang operasyon.
Sangkot umano ang tatlong suspect sa kidnap for ransom sa isang babaeng Vietnamese sa lungsod ng Pasay.
Isinagawa umano ang operasyon matapos na makatanggap ang Pasay City Police Station ng reklamo ang kasintahan ng biktima.
Kapalit umano ng pagpapalaya sa biktima, humiling ang mga suspect ng P900,000.
Nagsagawa kaagad ng oeprasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkaka aresto ng mga suspect.
Samantala, itinatanggi naman ng mga supect ang paratang na ibinabato laban sa kanya sa kabilang ng aktong pagkakadiskubre na kasama nito sa isang hotel ang biktima kung saan ito na rescue.
Kakaharapin ng mga suspect ang kasong kidnapping for ransom matapos maisagawa ang inquest proceeding.
Hihingi naman ng detalye ang PNP sa Bureau of Immigration tungkol sa pagkakakilanlan ng mga ito.