-- Advertisements --
Nagkasundo ang Sudan army at paramilitary na Rapid Support Force (RSF) ng panibagong pitong araw na ceasefire.
Ang nasabing panibagong ceasefire ay base na rin sa pangangasiwa ng Saudi Arabia at US.
Kung ang mga nagdaang mga ceasefire ay nalabag ngayon ay tinitiyak ng US at Saudi Arabia na hindi na ito malalabag.
Mahigpit aniya nila itong babantayan para hindi malabag ang nasabing ceasefire.
Sinabi naman ni US Secretary of State Antony Blinken na dapat ay mahigpit na sumunod ang magkabilang panig para hindi na malabag pa ang nasabing ceasefire at tuluyan ng matigil ang kaguluhan.










