-- Advertisements --

Suffocation ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang batang natagpuang patay sa loob ng kotse sa Angeles City, Pampanga, ayon sa isinagawang autopsy.

Subalit hindi ito tinanggap ng pamilya ng mga biktima dahil nakita umano nilang may dugo sa kamay at maraming pasa ang kanilang mga anak. 

Dahil dito, hihingi umano sila ng tulong sa Commission on Human Rights at hihilinging magsagawa ng isa pang autopsy at makuha ang buong kopya ng CCTV footage.

Binigyang-diin naman ng may-ari ng kotse na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng dalawang bata. 

Base sa CCTV footage, pasado alas-siyete ng umaga ay naglalaro ang magpinsan sa paligid ng kotse. Ilang sandali ay pumunta ang dalawa sa kanang bahagi nito at hindi na nahagip ng kamera. 

Ayon sa mga pulis, maaaring pumasok ang magpinsan sa loob ng kotse hanggang sa natagpuan itong patay.