-- Advertisements --
sara duterte 1

Target ngayon ng Office of the Vice President (OVP) na dagdagan pa ang bilang ng mga satellite offices nito sa Pilipinas.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Atty. Reynold Munsayac na nakatakdang madagdagan pa ng dalawa ang mga satellite offices ng OVP na planong itayo sa lalawigan ng Isabela at Bicol region.

Aniya, layunin nitong makapagbigay pa ng dagdag na tulong sa mga Pilipino partikular na pagdating sa medical, burial, at iba pang tulong.

Sa ngayon, mayroon nang 7 satellite offices ang OVP na kasalukuyang nakatayo naman sa Bacolod City, Cebu, Davao, Tacloban, Dagupan, Zamboanga, at lalawigan ng Surigao del Sur.