ILOILO CITY – Nagpakamatay ang isang dalagita sa Tigbauan, Iloilo, sa pamamagitan ng pagbigti.

Ang biktima ay kinilalang si alyas Christina, 14-anyos na Grade 10 student at residente ng nasabing bayan sa Iloilo.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mila Diestro, 62-anyos na lola ng biktima, taga-Barangay 9 sa Tigbauan, sinabi nito na pinuntahan niya ang kanyang apo sa kanilang bahay.

Ilang beses daw siyang kumatok ngunit walang sumasagot kaya sinilip na ang bintana at doon tumambad ang kanyang apo na nakabitin sa kanilang aparador gamit ang sinturon.

Ayon naman sa ina ng biktima na si Dahralyn Tenefrancia, nagtampo ang kanyang anak dahil nagseselos ito sa atensyon na binibigay sa bago niyang partner.

Maliban dito, mayroon ding hindi pagkakaunawaan ang biktima sa dalawa nitong step sisters.