LAOAG CITY – Patay ang 14-anyos na dalagita matapos pagsasaksakin ng kanyang mismong tiyuhin sa Brgy. 15 sa bayan ng Vintar.
Ayon kay Police Major Reginaldo Dalipias Jr., ang chief of police ti PNP-Vintar, pauwi na sana ang biktima sa kanilang bahay nang biglang hinarang ng suspek na 50 anyos na bayaw ng kanyang ama.
Dito umano kinompronta ng suspek ang dalagita at bigla na lamang pinagsaksaksak ang biktima ng maraming beses.
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima partikular sa kili-kili, tainga at ang kanyang barso.
Matapos umano ang ginawang ng suspek, sinaksak rin niya ang kanyang sarili ng dalawang beses.
Parehong itinakbo sa ospital ang mga ito ngunit idineklarang dead on arrival ang dalagita.
Samantala, ang nakikita ng mga otoridad na dahilan ng insidente ay dahil sa galit.
Narekober naman sa pinangyarin ng insidente ang isang kutsilyo na may habang 13 pulgada.
Una rito, nabatid na inireport rin sa pulisya ang suspek dahil umano sa pagsabunot at paghipo sa biktima.