-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inalam ng pulisya kung walang foul play ang pagkamatay ng isang dalagang empleyado ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) Caraga na natagpuan ng kanyang mga ka-anak na wala ng buhay sa sala sa kanyang pamamahay.

Nakilala ang biktimang si Fe Gomez, 58 anyos, at residente ng Purok 16, Upper Mandacpan, Brgy. San Vicente nitong lungsod ng Butuan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinuntahan ng kanyang mga ka-anak ang bahay ng biktima nang hindi na nila ito ma-contact pa at dito na nadiskubre ang kanyang bangkay na may sugat sa ulo sanhi ng bumanaw na dugo sa sala.

Inisyal na pinaniniwalaan ng mga ka-anak na posibleng inatake sa kanyang sakit na high blood ang biktima at ang pagkabagok sa ulo ang dahilan sa natamong sugat sa ulo nito ngunit umapela ang mga pulis na ipa-otopsiya ang bangkay nito upang malaman ang totoong dahilan ng kanyang kamatayan.