-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inaresto ang isang dalaga sa isinagawang drug buybust operation sa isang sementeryo sa barangay San Francisco, Cauayan City.

Ang inaresto ay si Alyas Spike, 22 anyos, dalaga, isang helper at residente ng Malasin, Aurora Isabela.

Nadakip ang suspect matapos isagawa ang buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Unit IPPO na pinangunahan, PDEA Region 2 at mga kasapi ng Cauayan City Police Station .

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nasamsam sa suspect ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na buy bust item at isa pang piraso ng plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu mula sa direkta nitong pag iingat.

Ang nasamsam na droga ay tinatayang 0.15 grams at nagkakahalaga ng mahigit Php1,000.00.

Isinailalim sa Physical examination ang pinaghihinalaan sa Cauayan District Hospital bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, mariin namang itinanggi ng suspect ang paratang laban sa kanya at nanindigang hindi sa kanya ang nakuhang illegal na droga .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Spike na dati umano siyang taga-alaga ng mga matatanda sa pampanga ngunit noong buwan ng Abril lamang siya umuwi sa Isabela at nakitira sa kanyang tiyahin sa Barangay San Fermin, Cauayan City.

Hindi umano siya lumalabas sa bahay ng tiyahin ngunit niyaya siya ng kanyang kaibigan na dalawin sa sementeryo ang yumao nilang kaibigan.

Ngunit noong nasa sementeryo na sila ay mayroong lumapit sa kanilang lalaki at nagtanong kung mayroon silang dalang drugs.

Sinagot umano niya ng wala at bigla na lamang umanong may dinukot sa bulsa ang lalaki na inilagay sa kanyang bulsa at dito na biglang dumating ang mga pulis.

Nagulat na lamang anya ang biktima nang makuha ng mga pulis ang droga at isang libong piso na inilagay ng lalaki sa kanyang bulsa.

Sinabi niya na hindi niya pera ang isang libong piso at tanging ang limampong piso lamang ang kanyang pera na kinita sa paglalabada.

May hinala si Spike na ang kanyang kaibigan na bigla na lamang nawala ang nag-set-up sa kaya dahil may nakukuha siyang impormasyon sa illegal nitong gawain ngunit hindi pinaniwalaan.

Nanindigan siya na hindi nagbebenta ng illegal ng droga at hindi rin gumagamit ng illegal na droga at handa siyang sumailalim sa drug test para patunayang inosente.