CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong panggagahasa at pagpatay ang lalaki na gumawa ng karumal-dumal na krimen sa kaniyang kaibigang babae sa Barangay Natumulan, Tagoloan, Misamis Oriental.

Inamin mismo ng suspek na si Justin Villanueva na kaniyang ginahasa, pinatay at iniwan sa abandonadong bahay ang biktima na si Mae Ann Mancao, 18-anyos na residente ng Purok 2 Patag, Barangay Emelda, Villanueva sa nasabing lalawigan.

Saad ng 18-anyos na suspek, nagawa niya ang krimen matapos siyang tanggihan sa nais na pakikipagtalik na kaniyang ikinagalit.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Tagoloan Police Station commander Maj. Rogelio Manalang na kanilang nahuli ang suspek base sa mga testigo na nakakita sa krimen.

Una rito, iniwan ng suspek ang biktima na wala nang pantalon at sinukbitan ng underwear ang bibig nito.

-- Advertisement --

Nagtamo pa ng malalang head injuries at malaking sugat sa kaniyang leeg ang biktima na siyang dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.