CAUAYAN CITY-Inaasahang ipapalabas na ng DOLE region 2 ang bagong minimum wage rate sa buong rehiyon dos sa susunod na linggo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Chester Trinidad, Spokesman ng DOLE region 2, nagkaroon sila ng pagpupulong kanina at pinag-usapan ang minimum wage rate.
Nauna na rin silang nagsagawa ng public consultations at Regional hearing kung saan pinakinggan ang hinaing ng mga manggagawa at mga employer.
Ang pagpupulong kaninang umaga na dinaluhan ng mga opisyal ng DOLE, RTWPB, DTI at NEDA maging ng mga kinatawan ng mga employers at employees.
Maganda anya ang kinalabasan ng pagpupulong kung saan tinalakay ang mga mungkahi kung magkano ang minimum wage rate at inaasahang sa mga susunod na araw ay ilalabas na ang bagong minimum wage sa region 2.
Bago anya ilalabas ang panibagong minimum wage rate sa region 2 ay kinakailangan munang idaan sa review ngunit inaasahang ilalabas na sa susunod na linggo.