Iginiit ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang P150 na pagtaas sa minimum wage ay magpapabagal sa paglago ng ekonomiya ng bansa at hahantong sa mas mataas na unemployment at inflation.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan , ang pagtaas ng minimum wage ng P150 ay magpapabagal sa gross domestic product growth ng 0.2 hanggang 0.9 percentage points, tataas ang unemployment rate ng 0.3 hanggang isang percentage point at higit na hahantong sa pagtaas ng inflation rate.
Kung matatandaan, isinusulong ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang dagdag na P150 sa sahod para sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor.
Sinabi ni Balisacan na ito ay sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kalidad ng mga trabaho na ang mga manggagawa ay magkakaroon ng mas mataas na kita, na maaaring gawin sa pamamagitan ng pag-akit ng mas maraming pamumuhunan, partikular sa mga strategic area tulad ng pagmamanupaktura.
Aniya, dahil ang mataas na halaga ng enerhiya, mahinang imprastraktura at mataas na gastos sa pagnenegosyo, ang mga ito ay tinutugunan ng pamahalaan.
Ang gobyerno ng Pilipinas ay naglalayon ng anim hanggang pitong porsyentong paglago ng GDP para sa taong kasalukuyan.
Nauna rito, sinabi ni Balisacan na ang ekonomiya ay kailangang lumago ng 6.6% sa ikalawang semestre upang maabot ang target na paglago para sa taong kasalukuyan.