-- Advertisements --

Tiniyak ni US President Joe Biden na agad niyang ipapadala sa Ukraine ang kinakailangan nilang military aide.

Kasunod ito sa pagpirma niya para maging tuluyang batas ang $95-bilyon aid package na ipinasa ng US Senate.

Laman ng package ang $61-B para sa Ukraine, $26-B sa Israel at $8-B para sa Indo-Pacific.

Dagdag pa ni Biden na dahil sa aid packages ay magiging ligtas na ang America maging ang buong mundo at magpapatuloy ang pamamayagpag ng US sa buong mundo.