-- Advertisements --

Isinulong ni Sen. Richard Gordon ang panukalang paglalaan ng budget allocation sa dagdag na “think tanks” para sa Pilipinas, na makakatulong bilang policy institute ng bansa.

Sa paghimay ng 2020 budget, sinabi ni Gordon na makabubuti ang pagkakaroon ng mga “think tank” na binubuo ng mga eksperto at professionals mula sa top universities.

Pwede aniya itong paglaanan ng pondo mula sa gobyerno o maging sa pribadong sektor.

“We should have more ‘think tanks’ so we can always have other people not from the government to look into the big picture and find out what is the best interest of the country without being used as political instruments to criticize the administration,” wika ni Gordon.

Pagbabahagi ng mambabatas, noong bumyahe siya sa Singapore ay nakaugnayan niya ang tatlong lupon na may ganitong papel, kung saan napag-usapan nila ang isyu sa China at iba pang paksa sa Asia.

Sa panig naman ni Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, sinabi nitong bukas siya sa ideya ni Gordon.