
Iginiit ng grupong Gabriela na dadagdag lamang sa bayarin ng mga Pilipinong nagbabayad ng buwis ang panibagong mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites na planong itatag sa Pilipinas.
Ito ay inihayag ng nasabing grupo kasunod ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lokasyon ng apat na EDCA sites na itatag sa bansa.
Sa isang pahayag ay binigyang-diin ni Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas ang kaniyang pagkontra sa planong dagdag na military operations ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Aniya, ang kasunduang ito ay magbibigay lamang ng mas maluwag na access sa pwersa ng Amerika sa mga lokasyon nang hindi nagbabayad ng anumang rental costs sa gobyerno ng Pilipinas.
Paliwanag niya, ito ay nangangahulugan lamang na gagastusan ng mamamyang Pilipino na nagbabayad ng buwis ang tubig, kuryente, at iba pang operational costs ng base militar ng EDCA.
“This will unfortunately eat up more financial resources that should be allocated to social services and support for vulnerable sectors,” saad pa ni Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas.
Dagdag pa ng mambabatas, ang operasyong militar ng mga tropa ng Estados Unidos sa bansa ay hindi naman aniya para sa interes ng mamamayang Pilipino kundi para sa interes lamang ng Amerika na mangupat ng gera sa Tsina at bentahan ang Pilipinas ng sobra-sobrang kagamitang pandigma.
Wala aniyang interes ang Estados Unidos na paunlarin ang ating defense posture dahil ang totoong gusto aniya nito ay panatilihing palaasa ang Pilipinas sa mga “ukay-ukay” na kagamitan at armas pandigma nito.
“We are literally paying for what is essentially a gross violation of our national sovereignty, in line with the ruling regime’s puppetry to US interests in the region,”










