Tinalakay ng 12 house panel ang ilang mga mahahalagang panukalang batas sa isinagawang pagdinig ngayong araw.
Ilang sa mga komite na nagsagawa ng pulong ay ang Committee on Transportation sa pangunguna ni Representative Romeo Acop;
House Committee on Dangerous Drugs sa pamumuno ni Rep. Ace Barbers; Special House Committee on Creative Industry and Performing Arts chaired by Rep. Christopher De venecia Committee on Government Reorganization sa pamumuno ni Rep. Jonathan Keith Flores at ang Committee on Basic Education and Culture sa pamumuno ni Rep Roman Romulo ang at ang House Committee on Suffrage and Electoral Reform sa pamumuno ni Rep. Maximo Dalog Jr.
Sa pagdinig ng Committee on Transportation tinalakay dito ang pagsusulong sa automation and digitization sa systems and transactions ng Land Transporation Office (LTO).
Ipinaliwanag naman ng LTO sa komite na may hakbang na silang ginagawa para mabago ang kanilang sistema.
Nais kasi tugunan ang problema na kinakaharap ngayon ng LTO ang backlog ng mga plaka.
Kaya isinusulong sa Kamara na maging automated ang transaksiyon sa naturang ahensiya.
Nabanggit din ang utang na hindi pa nabayaran ng LTO sa isa sa kanilang kontraktor na nagkakahalaga ng P3 bilyong piso.
Mayruon na ring direktiba dito si Deparment of Transportation Secretary Jaime Bautista ukol sa isyu ng LTO.