-- Advertisements --

Naghihintay na umano ang mga dagdag na insentibo at medalyang Order of Lapu-Lapu na ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magwawaging atleta sa South East Asian Games (SEA Games).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa gitna ng mga naglalabasang kontrobersya sa SEA Games, hayaan munang magpatuloy ang palaro na wala munang mga pambabatikos.

Ayon kay Sec. Panelo, dapat lamang na ipagkaloob sa mga Pilipinong atleta ang suporta na kanilang kailangan at kailangang iparamdam din natin sa mga dayuhang bisita ang “hospitality” na tatak ng mga Pilipino.

Nagpaabot naman ng “good luck wish” ang Malacañang sa lahat ng atletang kalahok at magpapamalas ng kanilang talento sa sa patimpalak.

“To end on a high note, the Palace wishes to announce that President Rodrigo Roa Duterte will give incentives and even medals in the Order of Lapu-Lapu to the winning athletes. To all the athletes participating in the games, we wish them the best of luck as they display their wares and talents in the competition,” ani Sec. Panelo.