-- Advertisements --
unioil

Nakatakdang magpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga oil companies bukas.

Ayon sa mga energy sources, ang diesel ay mayroong rollback na nasa P0.50 hanggang sa P0.70 kada litro.

Ang kerosene naman ay mayroong bawas sa presyo na aabot sa P0.30 hanggang sa P0.50 kada litro.

Sa mga gumagamit naman ng gasolina ay hindi magandang balita sapagkat mayroong medyo malaking umento na papalo sa P1.10 hanggang sa P1.30 kada litro.

Ang oil price adjustment ay karaniwang inaanunsiyo sa araw ng Lunes at ipinatutupad naman sa araw ng Biyernes.