-- Advertisements --
OIL PRICE HIKE PISTON

Inaasahang magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompaniya ng langis sa susunod na linggo.

Ang presyo ng diesel ay magkakaroon ng rollback na P0.40 hanggang P0.70 kada litro.

Sa presyo naman ng gasolina, inaasahang magkakaroon ng umento na P0.30 kada litro habang sa kerosene naman ay may kaunting umento na P0.20 kada litro.

Ang inaasahang umento sa gasolina at kerosene ay ikatlong sunod na linggo na.

Magiging epektibo ang inaasahang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo araw ng Martes, Abril 18.