-- Advertisements --
Nakatakdang magpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga oil companies.
Ayon sa mga energy sources, ang gasolina ay mayroong umento na papalo sa P0.75 hanggang sa P1.00 kada litro.
Mas malaki naman ang dagdag sa presyo ng kerosene na aabot sa P1.30 hanggang sa P1.50 kada litro.
Good news naman para sa mga gumagamit ng diesel dahil magkakaroon ng bawas sa kada litro nito pero papalo lamang sa P0.25 hanggang sa P0.50 kada litro.
Ang oil price adjustment ay karaniwang inaanunsiyo sa araw ng Lunes at ipinatutupad sa araw ng Martes.