-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng dagdag-bawas ng presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.10 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Mayroong P0.30 sa kada litro ang itinaas ng kerosene habang ang diesel ay mayroong P0.25 sa kada litro na itinaas.

Ayon sa Department of Energy na ang sanhi ng nasabing paggalaw ay dahil sa demand and supply ng langis sa world market.