-- Advertisements --

Magpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.

Sa araw ng Martes, Nobyembre 19 ay inanunsiyo ng Petron na magbabawas ng P0.80 sa kada litro ng gasolina habang mayroong P0.30 sa kada litro ang ibabawas sa diesel at P0.20 sa kada litro ng kerosene.

Kapwa inanunsiyo ng Shell at Petro Gazz ang P0.85 sa kada litro ng gasolina ang idadagdag at P0.15 sa kada litro ang ibabawas sa diesel.

Nagsimula naman nagpatupad ng dagdag-bawas ng kanilang produkto kahapon Nobyembre 17 ang Cleanfuel k ung saan mayroong P0.80 sa kada litro ng gasolina ang idinagdag at P0.30 sa kada litro ang ibinawas sa diesel.