KALIBO, Aklan – Nag-enjoy sa kanilang Boracay tour ang mga turistang lulan ng cruise ship na Seven Seas Navigator na dumaong sa isla ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Caticlan jetty port administrator Nieven Maquirang na halos 80 porsiyento ng mahigit sa 400 pasahero ay bumaba sa barko at naglibot sa white beach habang ang iba ay nagsagawa ng island hopping activities.

Karamihan sa mga sakay nito ay retiradong American at European nationals.

Sinabi pa ni Maquirang na ang mala-hotel na barko ay naglayag mula sa Miami Florida noong Disyembre 2018 upang libutin at ipasyal ang mga pasahero nito sa iba’t-ibang magagandang tanawin sa mundo.

Nabatid na noong Pebrero 27, 2019 ay dumaong rin sa Boracay ang MV Star Legend lulan ang halos 200 turista at 164 na crew.