Daan-daang mga tagasuporta ng dating presidente ng Brazil na si Jair Bolsonaro ang lumusob sa mga barikada ng pulisya sa Kongreso, palasyo ng pangulo at Korte Suprema, at mariin itong kinondena ni Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva bilang isang “pasista” na pag-atake.
Mga nakasuot na green na bandana ang nagtungo sa mga barikada upang mag-aklas ng protesta sa Kongreso ng kanilang bansa.
Kaugnay niyan, ang nakakagulat na mga pangyayari ay maaalala ang pagsalakay noong January 6, 2021 sa gusali ng Kapitolyo ng United States ng mga tagasuporta ng dating presidente na si Donald Trump na isang kaalyado ni Bolsonaro.
Ang mga hardline na tagasuporta ni Bolsonaro ay nagprotesta sa labas ng mga base ng hukbo sa Brazil na nananawagan ng interbensyon ng militar upang pigilan si Lula sa pagkuha ng kapangyarihan mula nang matalo niya si Bolsonaro noong October 30 run-off election sa Brazil.