-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbubukas ng ilang posisyon para sa hiring at promotion sa ahensiya.
 
Sa advisory, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na mayroong 100 slots ang bukas sa hiring para sa immigration officers.

Ang mga plantilla position ay Immigration Officer II na ide-deploy sa mga major airports at seaports sa Luzon, Visayas at Mindanao.
 
“We are filling out all the vacant items to ensure that our manpower are in maximum capacity once normal international travel has resumed,” wika Morente.
 
Maliban dito, bukas din ang 148 positions para sa administrative aides at translator maging ang oportunidad para sa promosyon bilang intelligence agents, intelligence officer at senior immigration officer.
 
Ayon naman kay BI Personnel Section Chief Grifton Medina ang mga aplikante na magiging immigration officer ay sasailalim sa ilang tests para siguruhing sila ay magiging “cream of the crop” o ang pinaka-“the best.”
 
“We are encouraging fresh graduates to apply as we need more young and vibrant officers to man our airports and seaports,” ani Medina.
 
Kabilang daw sa dadaanan ng mga aplikante ang online examinations at interviews.

Kapag sila ay napili, kailangan naman nilang ipasa ang mga trainings na gagawin sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga.
 
Bukas ayon kay Medina ay mayroong sasalang sa online examinations na 195 na aplikante bilabg immigration officers.
 
Ang mga bakanteng posisyon ay maaaring i-view sa career portal ng BI na careers.immigration.gov.ph.