DAVAO CITY – Nananatili sa mga evacuation centers sa Digos City ang mga lumikas na pamilya matapos maranasan ang matinding pagbaha.
Ayon kay Samuel J. Miralles, Local Disaster Risk Reduction Management Officer (LDRRMO) IV, agad nilang dineploy sa mga low lying areas ng Digos ang kanilang mga personahe matapos na maraming bahay ang binaha kagabi dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.
Sinasabing lumampas na sa marker ng Canyos Bridge ang tubig-baha, kaya pinalikas agad ang mga residente.
Sa kasalukuyan, nasa 198 na pamilya ang nasa City Gym ng Digos habang 30 pamilya ang nasa National High School sa Davao del Sur.
Naabutan na ng pagkain at iba pang pangangailangan ang mga apektadong residente dahil karamihan sa kanilang mga bahay na nasa gilid ng ilog ay apektado ng baha.