-- Advertisements --
Napilitan ang daan-daang eskwelahan sa Hokkaido, Japan na suspendihin ang mga klase at pansamantalang isara ang kanilang pasilidad dahil sa mabilis na pagkalat ng coronavirus sa bansa.
Ito ay matapos ipag-utos ng kanilang gobernador ang pagsasara ng mga eskwelahan.
Apektado ang nasa 1,600 pampublikong paaralan, junior high at special needs school dahil sa nasabing hakbang.
Batay sa report, sa Hokkaido ang mayroong pinaka-malaking bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus mula sa 47 prefecture ng bansa.
Samantala, napagdesisyunan naman sa Sapporo na ipasara ang halos 300 paaralan simula sa Biyernes.
Ayon sa mga opiyal, suportado umano ng halos lahat ng mga magulang ang naturang hakbang para na rin daw sa ikabubuti ng kanilang mga anak.