Daan-daang mga indibidwal na kabilang ang maraming mga foreign nationals at dual nationals ang nagsilikas na mula sa Gaza patungong Egypt upang ilitas ang kanilang mga sarili mula sa mas umiigting pang kaguluhan sa nasabing lugar.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na pangbobomba at pakikipagsagupaan ng Israeli defense forces sa naturang lugar kung saan libo-liboong mga indibidwal na rin ang mga namatay.
Sa isang statement ay sinabi ng pamunuan ng Egypt na pinaplano nito ngayon na tumulong sa paglilikas ng nasa 7,000 mga dayuhan sa pamamagitan ng pagbubukas rafah crossing, habang sa bukod naman na pahayag ay sinabi ng tagapagsalita para sa mga palestinian ay nasa 100 mga palestino na ang nakaalis na sa naturang lugar.
Sa kabuuang ay umabot na rin sa 400 katao na pawang mga foreign passport holders, habang 60 sugatang palestininan naman ang nakatakdang tumawid patungong egypt para sa ikalawang batch ng mga lilikas na mga indibdiwal mula sa gaza strip.
Sa ulat, karamihan sa mga aprubadong mga indibidwal na makatawid patungong Egypt ay pawang mga US citizen, at 50 Belgians, kasama ang ilang mga European, Arab, Asian, at African countries.
Ayon sa mga otoridad ang mga naililkas at ililikas na mga indibidwal na ito mula sa naturang kaguluhan ay maliit na porsiyento pa lamang ng nasa 2.4 million na mga indibidwal na naipit sa nagpapatuloy na giyera sa gaza city mula nang magsimula ang madugong pag-atake ng militanteng grupong hamas sa ilang bayan ng Israel noong oktubre 7, 2023.
Kung maalala, kabilang sa unang batch ng mga indibidwal na pinayagang makalabas sa gaza ay ang dalang pilipinong nagtatrabaho sa international humanitarian organization doctors without borders.