-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Daan-daang mga bumbero sa Europa ang nagsama upang tumulong na labanan ang “monstrous” wildfires sa timog-kanluran ng France.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Regen Udalve na sa ngayon ay nasa walong wildfires na ang naitatala sa France o nasa kabuuang 56,000 hectares na ng mga lupain ang tinupok ng apoy.

Dahil rin aniya sa matinding laban ng mundo sa climate change, ay patuloy ang pagkakatala nila ng mga maiinit na apanhon na nagreresulta sa mga pagsunog kung saan naidatos na rin kamakailan ay labimpitong mga tahanan na ng ilang mga residente ang nadamay sa naturang mga sunog.

Sa ngayon ay patuloy naman aniya ang pagbibigay ng kanilang gobyerno ng tulong para sa bawat pamilyang apektado.

Dagdag din nito na dahil pawang mga magsasaka ang direktang naapektuhan nito ay nakitaan na rin ng pagtaas aniya sa produktong mantika lalo na’t isa ang sunflower oil sa mga pangunahing isinusuplay nila.

Mula aniya sa isang euro ay umaabot na ito sa tatlong euros, bagama’t ganoon ay nanatiling sapat naman ang mga supaly ng mga pangunahing bilihin sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay nasa limang mga bansa ng Europa ang nakakaranas ng matinding init na nagreresulta ng mga wildfires.