-- Advertisements --
BOC BUILDING

Daan-daang balikbayan box ang na tengga sa ilang warehouse ng pitong buwan hanggang dalawang taon ang na e release na ng Bureau of Customs.

Dinagsa ng mga pamilya ng mga overseas Filipino worker ang bodega ng Bureau of Customs (BOC) Manila para kunin ang kanilang mga kahon kasunod ng ipinadalang abiso ng bureau.

Ang ilan, ay naging emosyonal dahil sa sobrang tagal ma-release ay namatay na umano ang mismong claimant at hindi na naabutan ang ipinadalang balikbayan box ng kaanak nitong OFW.

Ayon sa BOC, ang mga OFW mula sa UAE ay na-scam ng mga fly-by-night consolidator na naniningil ng bagsak presyo para sa pagpapadala.

Payo ni BOC Deputy Commissioner Michael Fermin, maging mapanuri at huwag magpadala sa mga “too good to be true” na mga pangako. Isipin at kalkulahin aniya ang processing fee, freight at halaga ng shipping ng mga box.

Dagdag pa ni Fermin, hindi kapani-paniwala ang sinisingil na kasing baba ng P3,500 para sa mga jumbo boxes.

Aabot naman sa 5,000 abandonadong balikbayan box ang ikinakarga ngayon sa mahigit 21 container dahil sa nasabing mga consolidators, na haharap sa mga kasong isinampa ng BOC.