-- Advertisements --
Wala pang plano ang Department of Agriculture (DA) na i-regulate ang pagbebenta ng mga ornamental plants sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ito ni Agriculture Sec. William Dar sa Laging Handa briefing kaninang tanghali, kung saan umapela rin ito sa mga nagbebenta na gawing afordable ang presyo ng mga ornamental plants.
Nauna nang iminungkahi ng Bureau of Plant Industry (BPI), attached agency ng DA, na magkaroon ng guidelines para i-regulate ang ornamental plant industry para tulungan ang mga maliliit na negosyante pati na rin para matiyak ang kalidad para sa mga consumers.
Ayon kay BPI agriculturist Ernie Lito Bollosa, maaring maging katuwang nila ang Department of Trade and Industry para sa regulation ng presyo ng mga ornamental plants.