Wala pang pinal na desisyon ang Department of Agriculture kung magkano ang volume na aangkatin na pula at puting sibuyas.
Sinabi ni Agriculture Deputy Spokesperson Asec. Rex Estoperez na kanilang ikinokonsidera ang 8,000 metriko toneladang puting sibuyas para sa mga institutional buyers.
Asahan na rin na sa mga susunod na araw ay maglalabas ang kanilang ahensiya ng import order para mapigilan ang tuluyang pagtaas ng presyo ng mga sibuyas sa bansa.
Gumagawa na rin niya silang paraan sa pakikipagtulungan ng mga may hawak ng mga cold storage facilities para mailabas ang mga naka-imbak nilang suplay ng sibuyas.
Kanila ding pinag-aaralan ang paglalagay ng suggested retail price sa mga presyo ng sibuyas para matugunan ang problema sa mga trader na nagmamanipula umano ng presyo nito.