Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na mapagbibigyan ang kanilang hiling na madagdan ng P8-10 billion ang kanilang P91-billion 2022 budget.
Ayon kay DA Asec. Noel Reyes, nakakalungkot para sa Pilipinas na mas malaki pa ang pondong inilalaan ng mga kalapit na bansa tulad ng Thailand at Vietnam sa kanilang agrikultura.
Kung tutuusin ay ang Pilipinas pa nga ang nagturo sa naturang dalawang bansa sa pagsasaka pero sa ngayon ay mas maunld na ang mga ito.
Nabatid na ang P231 billion proposed 2022 budget ng DA ay binawasan sa P91 billion na lamang.
Ayon kay Reyes, kung maari ay madagdagan man lang ng kahit 5 percent ng national budget para mapondohan naman ang mga gastusin ng ahensya.
Ngayong mayroong pandemya, mas nakita pa nga ng taumbayan ang kahalagahan ng food security kaya marami sa mga tao ngayon ay naging “plantitos at plantitas” na.