Tiniyak ng Department of Agriculture na mayroong sapat na supply ng bigas ang Pilipinas sa kabila ng pananalasa sa bansa ng ilang mga malalakas na bagyo kamakailan.
Sinabi ni Dar na nakatulong ang timely weather advisories kaya maagang nakapag-ani ang mga magsasaka bago pa man dumaan ang bagyong Quinta at Super Typhoon Rolly sa major rice-producing provinces sa Luzon.
Ayon kay Dar, aabot ng P7.66-billion halaga ng palay at P1.31-billion halaga naman ng mais ang naisalba bago pa man manalasa ang Bagyong Quinta, at P16.99-billion halaga ng palay at P579-million halaga naman ng mais bago humagupit sa ilang lugar sa Luzon ang Super Typhoon Rolly.
Ayon kay Dar, ang pinagsamang palay production loss ay humigit kumulang 165,000 metric tons, o nasa dalawang porsiyento ng projected fourth-quarter harves ng kagawaran na 8.4 million metric tons.
Sa dalawang two-percent loss na ito sa palay harvest, sinabi ni Dar na nasa 20.175 million metric tons pa ang supply ng bigas na maaring gamitin ng bansa.
Kaya umaasa sila na sa nalalabing walong linggo ng taon ay hindi na makakaranas pa ang bansa ng malakas na bagyo, at makamit ang kanilang full-year production estimate.