-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi na aabot ng hanggang Php700 kada kilo ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa bansa.

Ito ang sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez, sa gitna na rin nang patuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan.

Ayon kay Estoperez, hindi na mangyayari ang sobrang pagmahal ng sibuyas dahil mayroon pang stock sa mga cold storage facilities.

Matatandaang noong panahon ng kapaskuhan ay sumipa ng hanggang Php700 kada kilo ang presyo nito sa bansa, bunsod ng kakulangan ng suplay.

Unti-unti namang napababa ang presyo ng sibuyas nang umangkat na ang pamahalaan sa ibang bansa at umani na rin ng kanilang mga pananim ang mga magsasaka.