-- Advertisements --
ASUKAL DAGUPAN

Tiniyak ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa publiko na bababa ang presyo ng asukal matapos ang pag-angkat ng karagdagang 150,000 metric tons.

Ayon kay Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, inaasahang bababa ang retail prices ng asukal sa pagitan ng P80 hanggang P90 kada kilo.

Batay sa monitoring ng DA sa mga pamilihan sa Metro Manila, ang presyo ng retail ng refined sugar ay nasa pagitan ng P86 at P110 kada kilo; wash sugar, sa pagitan ng P82 at P90 kada kilo; brown sugar, sa pagitan ng P78 at P90 kada kilo.

Kung matatandaan, nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga stakeholder ng sektor ng asukal upang ipahayag ang kanyang desisyon na aprubahan ang pag-aangkat ng karagdagang 150,000 MT ng asukal.

Ipinunto niya na batay sa assessment ng Sugar Regulatory Administration (SRA), ang lokal na produksyon ng bansa para sa 2022 hanggang 2023 ay umabot lamang sa 1.7 milyong metriko tonelada, mas mababa sa target na 2.2 metric tons.

Dagdag pa ng opisyal, usap-usap ngayon ang maraming supply ng asukal dahil sa nasabing pag-aangkat ngunit sa katotohanan aniya, ay mayroon kakulangan sa supply ang ating bansa.