-- Advertisements --
image 194

Tinanggal na ng Department of Agriculture ang poultry ban sa South Dakota, USA.

Sa ilalim ng DA Memorandum Order no.61 na pinirmahan ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban, hindi na ipinagbabawal ang pag-angkat ng mga poultry products mula sa naturang estado.

Ginawa ng DA ang naturang hakbang matapos magpresenta ang naturang estado ng report na nagpapatunay na naagapan na nito ang mga kaso ng bird flu.

Ibig sabihin, bukas na muli ang pag-aangkat ng ibat ibang mga poultry products, katulad ng karne ng manok, mga sisiw, itlog, at iba pang kahalintulad na produkto, basta nakakasunod sa panuntunang inilabas ng pamahalaan.

Batay sa datus ng Bureau of Plant Industry, umangkat ang Pilipinas ng hanggang 249.37 million kg na karne ng manok mula Enero hanggang Hulyo.

86.14million kg dito ay nanggaling mula sa US. Ito ay katumbas ng 34.5% ng kabuuang inangkat na karne ng manok sa naturang panahon.

Noong buwan ng Abril, 2022 nang unang inilatag ng DA ang pagbabawal sa pag-angkat ng mga poultry products mula sa naturang estado, dahil sa naging epekto ng bird flu sa malaking bahagi ng US.