-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng monitoring ang Philippine National Police (PNP) sa napaulat na “groomers” na ang target ay mga menor de edad para gumawa ng krimen at ibang mga karahasan.
Ayon kay chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na hindi tumitigil ang kanilang kapulisan para maimbestigahan ang mga internet user na nasa likod ng pa-groom sa mga menor de edad.
Ang pahayag ng PNP chief ay kasunod ng nangyaring pamamaril sa loob ng paaralan sa Zamboanga noong Agosto 18.
Una na ring sinabi ni Inerior Secretary Jonvic Remulla na ang batang suspek ay naimpluwensiyahan ng online games.
















