-- Advertisements --

Sinuspendi ng Department of Agriculture ang pag-isyu ng import clearance sa mga isdang galunggong, mackerel at bonito.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na ang nasabing mga isda base sa Fisheries Administrative Order 195 ay para lamang sa mga canning at institutional buyers.

Ang nasabing hakbang ay matapos na makarating sa kanilang opisina ang impormasyon na mayroong ibinebenta ng nasabing mga uri ng isda sa mga iba’t-ibang palengke sa bansa.

Nakasaad din sa memoradm 14 na inilabas noong Abril 1 na ang importation ng mackerel ay para sa canning purpose lamang ang maaaring i-cleared.

Noong nakaraang taon ay kinailangan ng DA na mag-import ng galunggong dahil sa kakulangan nito bunsod ng closed fishing season.