Iniulat ng Department of Agriculture na kabilang ang mga minimum wage earner sa P20 rice program ng gobyerno.
Ginawa ng ahensya ang pahayag kasabay ng paglulunsad ng DA katuwang ang DOLE sa nationwide roll out ng naturang programa .
Ang hakbang na ito ng DA at DOLE ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapagaan ang pasaning pinansyal ng mga Pilipino na kabilang sa mga bulnerableng sektor ng lipunan.
Sa isang pahayag ay binigyang diin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na patuloy ang ginagawang hakbang ng ahensya para magkaroon ng murang pagkain sa bansa.
Naniniwala naman si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na malaking tulong ito sa mga minimum wage earner lalo na’t hindi sapat ang kanilang kinikita.
Batay sa datos ng ahensya , aabot sa halos 120,000 ang mga manggagawa sa bansa na mayroong minimum wage earner mula sa mahigit 500 establisyimento