Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na sa unang linggo ng Setyembre ay posibleng lumabas na ang resulta ng eksaminasyon sa karne ng mga baboy na naiulat na namatay dahil sa kahina-hinalang sakit.
Kung maaalala, nitong Lunes nang magpadala ng meat samples ang DA sa isang laboratory facility sa Europe para matukoy kung ano ang sakit na dumali sa mga namatay na baboy. Lalo na’t lumutang ang suspetsa sa African Swine fever.
“Results of lab test from Europe is expected at the earliest in two weeks,” ani DA spokesperson Noel Reyes.
Sa ngayon tumanggi muna ang DA na pangalanan ang laboratoryong humawak ng eksaminasyon.
“Pending receipt of confirmatory test in Europe, DA Secretary William Dar refrains from naming thr disease. He is a scientist after all.”
Nilinaw din kagawaran na hindi pa kumpirmadong African swine fever ang sanhi ng pagkamatay ng mga baboy.
Mariin namang pinaalalahanan ng DA ang hog raisers na iwasan munang pakainin ng kaning baboy ang mga alaga.
Gayundin na sundin ang quarintine na ipinatutupad sa mga lugar na may kaso ng suspected disease.