Tinitingnan ng DA na mag-angkat ng panibagong 1.3 million metric tons ng bigas para sa bansa.
Sinabi ni DA Undersecretary Mercedita Sombilla na magtatakda pa rin ang nasabing departamento ng mga plano ukol sa pag-aangkat ng bigas.
Aniya, magtatakda din ng schedule para sa nasabing rice importation na kung saan dadaan ito sa sanitary at phytosanitary processes.
Sinabi ni Sombilla na susuriin muna ng DA ang mga kalkulasyon tungkol sa rice stockpile ng National Food Authority na nakikitang tatagal ng dalawang araw.
Dagdag niya, na talagang napakababa na ng stockpile ng National Food Authority.
Gayunpaman, tiniyak niya na mayroon pa ring mga stock ng bigas na maaaring tumagal ng 39 na araw, na binanggit na may mga hakbang upang mapataas ang produksyon ng bigas sa ating bansa.