-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang Masagana 150 program na target na makapag-produce ng 150 kaban ng aning palay kada ektarya.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, sa Masagana 150 program target na mapataas ang ani base sa bagong mga teknolohiya na maaaring ma-avail at mayroon tayo.

Tinitignan din aniya ngayon kung kailan at paano ipapatupad ang natutang programa.

Kung sakaling maipatupad ito, nakikitang maibababa ang presyo ng bigas at matutulungan pa ang mga magsasaka na magkaroon ng mas magnadang ani.

Saad pa ng Da official na para magtuluy-tuloy ang naturang programa maaaring tumulong ang Agriculture Credit Policy Council sa mga kooperatiba sa pamamagitan ng pagbibigay ng loans.

Subalit ayon kay dating Finance Sec. Carlos Dominguez, na nagsilbi bi,ang Agricultura chief noong administrasyon ni dating President Corazon Aquino, sinabi nito na nasa 800 rural banks ang nalugi dahil sa Masagana 99 program.

Sa ilalim ng rehimen noon ng ama ni Pangulong Bongbong Marcos na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr, inimplementa ang Masagana 99 program na dinisenyo para mapataas ang produksyon ng bigas sa pmamagitan ng pagbibigay loans sa mga magsasaka. Inihinto ang naturang polisiya dahil nagresulta ito sa pagkakalubog sa utang ng mga magsasaka.

Sa ngayon, ayon sa DA official nasa 12.37 million metric tons ang local supply ng bigas sa bansa habang nasa 2.36 million metric tons naman ang imported rice.