-- Advertisements --

Nakipagpulong ang Department of Agriculture (DA) sa mga nagbebenta ng sibuyas.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez, na tinalakay sa pulong ang mga hinaing ipinarating ng mga magsisibuyas sa bansa.

Ilan sa mga grupong nakapulong ng opisyal ay mula sa Mindoro, Nueva Ecija at Pangasinan.

Humirit ang grupo na kung maaari ay matigil na ang pagpasok ng mga imported na sibuyas sa bansa.