-- Advertisements --
Naghahanda ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga imported na bigas.
Ayon kay DA Secretary William Dar na posibleng tumaas ng hangang P6 sa kada kilo ang mga bigas na mula sa Vietnam at Thailand.
Isa sa nakikita nitong paraan para hindi tumaas ang presyo ng mga bigas ay palakasin ang produksyon ng bigas sa bansa.
Dodoblehin din nila sa P6 bilyon ang fertilizer subsidy sa mga magsasaka para mas lumakas ang produksyon ng bigas sa bansa.









