-- Advertisements --

Mahigpit na minomonitor ng Department of Agriculture (DA) regional office sa pakikipag tulungan ng ibat ibang ahensiya ang sitwasyon ng Bulkang Mayon.

Ito’y kasunod ng pagsailalim ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert Level 3 ang Bulkang Mayon.

Pinayuhan na ang mga residente na nakatira sa 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) na magsilikas dahil sa banta ng pagtaas ng volcanic activity sa lugar.

Inatasan rin ng Department of Agriculture Field Office 5 ang mga magsasaka na ilikas na rin ang kanilang mga inaalagaang hayop sa ligtas na mga lugar at i secure ang kanilang mga farm equipment at machinery.

Hinahanda na rin ng DA ang inventory ng mga livestock population sa loob ng 6-kilometer Permanent Danger Zone.

Naka prepositioned na rin ang mga hauling trucks ng DA sa Tabaco city at Camalig,Albay Research; Outreach Stations, at mga reserbang binhi.

Siniguro ng Dept. of Agriculture at Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Operations Center na patuloy silang magbibigay ng updates kaugnay sa aktibidad ng Bulkang Mayon.