-- Advertisements --

Kinondena ng department of Agricukture (DA) ang iligal na pagpasok ng mga agriculture, fishery at meat products sa bansa.

Inilabas ni Agriculture Secretary William Dar ang naturang pahayag hinggil sa talamak na smuggling sa bansa kasunod ng Senate hearing nitong March 28.

Ang smuggling at illegal entry ng lahat ng agricultural, fishery at meat prodcuts sa bansa ay direktang makakaapekto sa local farmers, mangingisda at food producers na hadalang sa kinakailangang livelihood at income.

Ayon pa kay Dar ang smuggled products ay maaaring magresulta ng panganib at banta sa agricultural industries at public health dahil maaaring naglalaman ang mga ito ng tranboundary pests at diseases.

Base sa claim ng ilang senador, pinapahintulutan umano ng mga personalidad na may mataas na katungkulan ang pagangkat ng produktong gulay mula sa China.

Bilang tugon, sinabi ng DA chief na kinokondena ng ahnesiya ang mga personalidad na nasa likod nito at kapag napatunayan aniyang guilty , maghahain sila ng kaukulang administrative charges laban sa mga sangkot na indbidwal. Top