-- Advertisements --

Kinansela ng Department of Agriculture ang implementasyon ng pagpapatupad ng suggested retail prices (SRP) ng mga pula at puting sibuyas.

Ayon kay DA Assistant Secretary Rex Estoperez na mismong iniutos ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang kanselasyon.

Hindi umano kumbinsido si Panganiban sa cost structure na iprenisenta nila noon.

Nais din ni Panganiban na pag-aralan ang nasabing cost structure.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay sinabi ni Estoperez na kinokonsidera ang paglalagay ng SRP sa mga sibuyas dahil sa patuloy ang pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

Pagtitiyak ni Estoperez na patuloy ang kanilang gagawing pag-iikot sa mga cold storage facilities.